Solon, umaasang magtutuluy-tuloy ang pagpapanagot sa SMNI

Ikinalugod ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Representative France Castro ang labing-apat na araw na preventive suspension order na ipinataw ng MTRCB laban sa dalawang television programs ng Sonshine Media Network International o SMNI.

Ayon kay Castro, “long overdue” na ang suspensyon sa “Gikan sa Masa, Para sa Masa” program at “Laban Kasama ang Bayan”.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Sa wakas aniya ay may nagawa na upang itigil ang red-tagging, pagpapakalat ng fakr news at pagbabanta sa mga indibidwal gamit ang dalawang shows pati na ang buong network.

Umaasa rin si Castro na ito na ang simula ng pagpapanagot sa SMNI at sa mga taong nasa likod nito.

Dapat umanong suriin ng mga awtoridad ang pamamaraan, pangre-red tag at terrorist-labelling para sa mas “decisive” at makabuluhang mga panukala.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Mababatid na umere sa Laban Kasama ang Bayan ang sinasabing hindi naberipikang ulat na gumastos umano si House Speaker Martin Romualdez ng 1.8 billion pesos sa kanyang mga biyahe.

Napanood naman sa Gikan sa Masa, Para sa Masa ang umano’y pagbabanta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa buhay ni Castro.