Dalawang SMNI shows, sinuspinde na ng MTRCB

Pinatawan ng 14-day preventive suspension ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang dalawang mga palabas ng SMNI.

Ayon sa order na inilabas ni MTRCB chair Lala Sotto-Antonio, suspended na muna sa pag-ere mula kahapon ang mga shows na ‘Gikan sa Masa, Para sa Masa’; at ang ‘Laban Para sa Bayan’.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Depensa ng opisina, ito raw ay para maiwasan na muna ang mga ‘infractions’ na ‘di umano’y nagawa ng naturang TV shows na maaaring maka-impact sa publiko, at makadungis sa reputasyon ng broadcasting sa bansa.

Kung maaalala – ang ‘Gikan sa Masa, Para sa Masa’ ay ang show na host si dating pangulong Rodrigo Duterte kung saan ay nagbanta ito kay House Minority Leader France Castro.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Suspendido rin ang programang ‘Laban Kasama ang Bayan’ kung saan isiniwalat ang unverified report ng umano’y P1.8Billion na travel funds ni House Speaker Romualdez.