Pinuna ng mambabatas mula sa House of representatives ang panukalang imbestigahan ang paglipat sa operasyon ng Malampaya sa Udenna Corporation.
Ayon kay House committee on good government and public accountability chair at Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, ang kailangan ng gobyerno ay matiyak ang maayos na paglipat sa operasyon ng Malampaya gas field at hindi ang imbestigasyon.
Giit ni Pimentel, ang smooth handover ng Malampaya — mula sa Shell Exploration Philippines B.V. sa UC Malampaya — ay kailangang mapacilatate para mapigilan ang posibleng problema sa kuryente.

Binigyang diin ng mambabatas na hindi dapat matigil ang operasyon ng Malampaya, na nagsusuplay ng karamihan sa natural gas ng bansa at kumakatawan sa halos 20 percent ng power requirements.
Para kay Pimentel, ang senatorial aspirants na nagsusulong para sa imbestigasyon ng paglipat sa operasyon ng Malampaya gas field ay nais lang makakuha ng exposure para sa 2022 national elections.