Mga senador, tinawag ang atensyon ng DepEd re: WB report

Tinawag ng ilang senador ang atensyon ng Department of Education (DepEd) matapos kuwestiyunin ang pagpapalabas ng World Bank report na nagpapakita na siyam mula sa sampung Pilipinong bata na may edad 10 ay hindi nakakabasa.

Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay mayroong 90% learning poverty, na naglalarawan sa bilang o rate ng mga batang hindi nakakabasa sa edad na 10.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Dahil dito, naalarma si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa findings, at sinabing nakakatakot ito dahil pagdating ng susunod na henerasyon ay mangmang na, bilang long-term adverse effect sa kabiguan na maprayuridad ang education sector.

Bilang tugon rin, sinabi ni Senator Pia Cayetano na siyang sponsor sa bugdet ng Deped, na hindi patas ang World Bank nang isapubliko ang report, nang hindi nakukuha ang anumang komento mula sa Deped.

Read More:  NIA says it is prepared for El Niño impacts

Pero sa gitna nito, kinampihan ni Senator Richard Gordon si Drilon, at sinabing hindi naman maaring sisihin ang”messenger” o ang World Bank.

Mungkahi ni Gordon, dapat gumawa nalang ng self-examination, at isipin kung anu ang problema sa edukasyon, upang mahanapan ng kasagutan o maresolba.