Pabor ang ilang mambabatas sa dagdag-buwis para sa mga junk foods at mga sweetened beverages.
Para kay Anakalusugan party-list Rep. Ray Reyes, makatutulong ang naturang tax scheme para makakolekta pa ng mas maraming revenues ang gobyerno.
Ang mga makakalap daw na pera dito ay maaaring makatulong sa implementasyon at pagpopondo sa Universal Healthcare Act.

Sa ganitong paraan ay mas masisiguro pa raw ang karapatan ng bawat Pilipino sa maayos na healthcare. //LGD, edited MHEL PACIA