Junk food tax hike, makababawas sa obesity sa bansa – DOH

Wi-nelcome ng Department of Health (DOH) ang isinusulong ng economic managers na tax-hike para sa mga junk foods at mga sweetened beverages.

Ayon kay Health Sec. Ted Herbosa na kung kalusugan lang din naman ang pag-uusapan – ang pagbubuwis sa mga junk foods ay makatutulong para sa mga Pilipino.

Read More:  Sara Duterte leads 2028 presidential preference survey with 50%

Aniya, patuloy pa rin ang pagtaas ng obesity sa mga kabataan, at ang junk foods at sweetened beverages ang dalawang factor para rito.

Maliban daw kasi sa ‘less active’ na ang mga bata at ‘di na sila naglalaro sa labas, unhealthy na rin ang kinakain nila sa ngayon.

Read More:  Sara Duterte maintains trust rating lead over Marcos

Naniniwala rin si Herbosa na maaring ilaan ang dagdag na tax collections para sa pondo ng Universal Healthcare Act.//LGD, edited MHEL PACIA