Umaasa si ACT Teachers Party-list Rep. France Castro na pagbibigyan ng Department of Justice (DOJ) ang inihaing petition for review laban sa resolusyon ng Quezon City Prosecutors Office na nagbabasura sa reklamong grave threat laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Paliwanag ni Castro, may nakita silang elemento na hindi patas sa inilabas na resolusyon ng piskalya nitong Enero.
Ayon kay Atty. Rico Domingo, abogado ng mambabatas, sakaling hindi paburan ng DOJ ang petisyon ay handa silang dumulog sa Court of Appeals.
Aniya, hindi nila isusuko ang patuloy na paghingi ng katarungan.