Sentro ng naging sectoral meeting kahapon sa Palasyo ng Malacañang ang patungkol sa cybersecurity ng bansa.
Kung saan ipinag utos ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagpapalakas ng cybersecurity systems ng Philippine National Police, sa pamamagitan ng pagsasanay ng kapulisan at pagkuha ng teknolohiya para sa pagtugon sa cybercrime at cybersecurity sa bansa.
Binigyang diin din ng Pangulo ang pangangailangang gawin centralize at standardize ang communication system at platforms sa buong hanay ng pulisya.
Sa press briefing naman kahapon sa Palasyo ng Malacañang, inanunsyo ni Interior Secretary Benhur Abalos ang pagtatag ng National Cybercrime Training Institute sa ilalim ng Public Safety College.
Maliban naman sa pagpapalakas ng cybersecurity, napag usapan din kahapon ang estado ng krimen sa bansa.
Kung saan iniulat ni PNP Chief General Benjamin Acorda kay Pangulong Marcos na bumaba ng 10% ang crime statistics ng Pilipinas pero tumaas naman ang cybercrime.