PBBM, pinamamadali sa MARINA, CHED ang upskilling sa mga Filipino seafarers

Tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos na magpapatuloy ang mga hakbang para sa pagpapabuti ng mga ‘maritime-related policies’ ng administrasyon para masiguro ang kapakanan ng mga Filipino seafarers at ang mga naiwan nilang pamilya rito sa Pilipinas.

Read More:  Tolosa says impeachment conviction could bar Sara Duterte from 2028 race

Sa talumpati ng pangulo sa ‘Shaping the Future of Shipping-Seafarer 2050’, binigyang diin nito ang kahalagahan ng pagpapalakas ng shipping industry, at ang pag-adopt sa mga makabagong teknolohiya.

Ito raw ay makakamit sa pamamagitan ng upskilling ng mga seafarers, pati na rin ang pagpapalawig ng kanilang education at training requirements.

Read More:  Padilla urges critics to meet Chinese Ambassador Jing Quan personally

Kaugnay nito, muling inatasan ni Marcos ang MARINA at Commission on Higher Education (CHEd) na magtulungan sa upskilling and reskilling ng mga Filipino seafarers.//LGD, edited MHEL PACIA