Solo parents, makakakuha na ng mas maraming benepisyo sa ilalim ng bagong batas

Mas maraming benepisyo pa ang matatanggap ng mga solo parent matapos na maglapse bilang batas ang panukala na magbibigay ng expanded benefits sa mga solo parents.

Kabilang sa mga perks na ito ay less strict requirements para sa work leaves, scholarships, discounts, at cash aid.

Sa ilalim ng Expanded Solo Parents Welfare Act, nakasaad na ang solo parent ay makakakuha ng seven-day paid leave kung sila ay employed ng kahit anim na buwan lang, sa halip sa dating mahabang one-year clause.

Ang mga solo parent at anak ay makakatanggap ng educational benefits, at isang anak na 22-taong gulang pababa ay makakakuha ng full scholarship sakaling makapasa sila sa kwalipikasyon.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Ang kwalipikadong solo parent ay maari ring maka-avail ng scholarship programs mula sa Technical Education and Skills Development Authority o TESDA.

Kaugnay nito, ang solo parents na kumikita ng minimum o less than minimum wage ay mabibigyan ng monthly cash subsidy na P1,000, habang ang mga kumikita ng less than P250,000 ay entitled sa 10% discount at exemption mula sa value-added tax sa gatas, diapers, bakuna at gamot, hanggang sa ang anak ay mag-edad ng anim na taon.

Makakakuha rin ng diskwento ang mga senior citizens o persons with disability na nagsisilbing solo parents, maliban sa kanilang personal benefits.

Kaugnay nito, ang mga solo parents ay otomatikong magiging pasok sa National Health Insurance Program sa pamamagitan ng PhilHealth, kung saan ang premium contributions ay sasagutin ng national government.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Kabilang sa mga pasok bilang solo parents ay ang mga nagbibigay ng solo parental care at suporta dahil sa pagkamatay ng kanilang asawa, mental incapacity, o physical incapacity; mga legally o de facto separated sa loob ng anim na buwan; inabandona ng asawa sa loob ng anim na buwan na; hindi kasal na nanay; sinumang legal guardian na solong nagbibigay ng pagkalinga; at asawa o miyembro ng pamilya ng overseas Filipino worker na mula sa low/semi-skilled worker category na 12 straight months nang nasa ibang bansa, at iba pa.

Samantala, para maka-avail ng karagdagang benepisyo, kailangan lang na ipresenta ang Solo Parent Identification Card, kung saan ito ay maaring makuha sa local government unit’s Solo Parent Office. //MHEL PACIA