Mahigit 600,000 na mga tricycle drivers, makakatanggap ng fuel subsidy – DILG

Inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nasa 617,806 ang kwalipikadong tricycle drivers nationwide ang makakatanggap ng fuel subsidy.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, nasa 148,784 naman sa mga naturang tsuper ang na-disqualify dahil sa kakulangan ng verification details.

Read More:  Senate court sets hearings on Sara Duterte finances, aide’s testimony

Aniya, hinihintay lang umano nila ang detalye at karagdagang impormasyon tungkol dito mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Read More:  Classes suspended at San Jose National High School in Tacloban

Samantala, nauna ng inilabas ng DILG ang Memorandum Circular 2022-047 kung saan inatasan ang mga LGUs na magsumite ang listahan ng kanilang mga tricycle drivers.

(ARGIE ERGINA)