Magpapadala na rin ng team ang South Korea sa Pilipinas para sa paglilinis ng oil spill na kumalat sa iba’t ibang probinsiya mula sa Oriental Mindoro.
Ayon sa South Korean Embassy sa Maynila, ipapadala sa bansa ang mga miyembro ng Korean Coast Guard para tumulong sa Filipino counterpart nito.

Darating sila sa March 27 at mananatili ng isang linggo.
Magbibigay din ang Korean government ng cleaning equipment, kabilang ang 20 toneladang sorbet pads at snares; 1,000 metro ng solid flotation curtain boom; at 2,000 set ng personal protective equipment.
Ang South Korea ang ikatlong bansang tumulong sa paglilinis ng oil spill na dulot ng lumubog na MT Princess Empire pagkatapos ng Japan at US.
Parehong nagpadala ang Japan at US ng oil and environmental experts.//CA