Casimero, inireklamo ng acts of lasciviousness

Nahaharap ngayon sa reklamong Acts of Lasciviousness at paglabag Republic Act No. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, ang three-division boxing world champion na si John Riel Casimero.

Ang naturang reklamo ay nangyari umano noong Hunyo 2021, kung saan isang 17-anyos na babae ang sinasabing biktima.

Ayon sa ulat, inimbitahan ni Casimero ang biktima sa tinutuluyan nitong hotel at doon na umano nangyari ang pangmomolestiya.

Agad namang pumalag mula sa akusasyon ang kampo ng naturang boksingero, at sinabing gawa-gawa lang ang reklamo.

Mababatid na nakatakdang labanan ni Casimero, 31-4 na may 21 knockouts, si Paul Butler sa April 22 sa Echo Arena sa Liverpool, United Kingdom, at kasalukuyan itong nasa Amerika para sa kaniyang training.