Sobrang singil sa pamasahe ng ilang tricycle driver sa bayan ng Basud natalakay sa regular na sesyon kahapon

CAMARINES NORTE- Natalakay sa regular na sesyon ng Sangguniang Bayan ng Basud, Camarines Norte ang hinggil sa di umano’y sobrang singil ng ilang tricycle driver sa itinatakdang pamasahe.

Si Councilor Franz Inah Arana- Macale ang nagbukas ng isyu makaraang makatanggap umano siya ng reklamo mula sa ilang kawani ng Basud Development Cooperative (BADEVCO) na umuuwi sa ibang bayan.

Nagrereklamo aniya ang mga ito dahil sa mahal na pamasahe at hindi pagsunod ng ilang driver sa itinakdang taripa.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Obserbasyon naman ni Councilor Shaina Jules Lopez na kapag nasa pila ay nagdidikta ang ilang tricycle driver sa kung magkano ang pamasahe.

Aniya magiging “non- sense” ang taripa kung hindi magkakaroon ng aksyon ang konseho.

Tugon naman ni Councilor Jose Mari Ayton, ang Chairman ng Committee on Transportation and Public Utility na kung may reklamo ang mga pasahero ay kunin ang body number at idulog sa PNP.

Hindi na raw ito problema ng Sangguniang Bayan dahil wala itong police power.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Mababatid na batay sa umiiral na taripa P15 ang pamasahe sa tricycle sa naturang bayan para sa unang dalawang kilomentro at P3.00 para sa bawat dagdag na kilometro.

P12 naman ang pamasahe ng estudyante, senior citizens at Persons with Disabilities para sa unang dalawang kilometro at P2.00 sa bawat susunod na kilometro.

Kapag umabot na sa 7:30 ng gabi o anumang special cases ay maaaring “by agreement” na lang ng driver at pasahero ang pamasahe.