So.CotSo.Cot, isinailalim na sa state of calamity dahil sa El Niño, isinailalim na sa state of calamity dahil sa El Niño

KORONADAL CITY – TULUYAN nang isinailalim sa state of calamity dahil epekto ng El Niño ang buong lalawigan ng South Cotabato. Sa isinagawang special session ng Sangguniang Panlalawigan o SP, inaprubahan ng mga ito ang rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council o PDRRMC matapos na limang munisipyo na ang nagdeklara ng state of calamity, ang Banga, Norala, Surallah, Tantangan at TBoli.

Dahil dito, magagamit na ng lalawigan ang bahagi ng P 45 million na Quick Response Fund sa pamamahagi ng ayuda sa mga apektadong mamamayan at iba pang hakbang laban sa El Niño.

Sa interview ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay PDRRMO OIC Rolly Aquino na P 6 million dito ay ibibili ng mga farm inputs, P 3.5 million sa fuel and other supplies, P 500,000 sa health management and protection at may inilaan din para sa relief assistance. Naglaan din ang lalawigan ng P 5.4 million para sa cash assistance sa mga apektadong farm laborers.

Umabot na sa higit P 200 million ang pinsala ng dry spell kung saan matinding tinamaan ang sektor ng agrikultura.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *