Drug–Cleared Barangay sa Naga City may illegal drug operation pa rin

NAGA CITY – Mananatiling under monitoring ng pulisya at ng iba pang law enforcement agencies ang mga deklaradong Drug-Cleared Barangay sa lungsod ng Naga na para matiyak na wala nang operasyon ng illegal na druga sa lugar at kung magkaroon man dapat na mahuli agad ang mga drug personalities na ito, tulad ng nangyari sa Barangay Lerma.

Ang nabanggit na barangay ay dineklarang Drug-Cleared Barangay kamakailan lamang, ngunit may tatlong katao, kabilang na ang mag live-in partner, ang nahuli ng pulisya dahil sa illegal drugs noong Biyernes.

Nilinaw sa Brigada News FM Naga ni Toti Importante, head ng Naga City Dangerous Drugs Board, na ang Barangay Lerma ay mananatiling Drug-Cleared Barangay dahil sa ipinatutupad nito ang pagbabantay sa mga pinaghihinalaan nilang durugista.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *