Senadora, nanawagan sa DFA na kanselahin na ang pasaporte ni Quiboloy

Nanawagan si Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros sa Department of Foreign Affairs (DFA) na kanselahin na ang pasaporte ng puganteng si Apollo Quiboloy.

Ito ay matapos ang hindi nito paglitaw sa Senado o maging sa Korte sa kabila ng mga order o kaso na inihain laban sa kanya.

Ayon kay Hontiveros, imbis na mapagkita ito ay panay audio message ang nilalabas nito na tila nang-iinsulto pa sa kakayahan ng gobyerno na matunton siya.

Alinsunod nito, ipinunto ng senadora na hindi dapat ito palagpasin ng gobyerno bagkus maging daan ito upang tiyakin na hindi na makakagalaw pa si Quiboloy.

Maalala, ayon kay DFA spokesperson Teresita Daza magiging ‘red flag’ sa anumang aplikasyon sa mga DFA consular offices sa loob o labas ng bansa ang pagkakansela sa pasaporte ng isang indibidwal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *