So.Cot, wala nang naitatalang kaso ng ASF

KORONADAL CITY- WALA nang naitatalang bagong kaso ng African Swine Fever o ASF ang lalawigan ng South Cotabato.

Inihayag ni Dr. Ella Rose Frugalidad ng Provincial Veterinary Office na batay sa ASF Progression report, wala ng ASF case na naitala mula noong October 2022.

Samantala, idineklara na ng Bureau of Animal Industry o BAI ang bayan ng Surallah na ASF-free at inupgrade ang status nito sa pink zone mula sa red zone matapos na nakapagsumite ang LGU ng mga dokumento.

Ang Surallah ay nasa sentineling process na kung saan nilagyan ng mga baboy o sentinel pigs ang mga lugar o hog farms na infected ng ASF na oobserbahan at isasailalim sa testing pagkalipas ng 40 araw.

Oras na magnegatibo, ang munisipyo ay maaari nang mag-apply para sa repopulation.

Nakapagsumite na rin ng mga dokumento para sa approval ng BAI ang mga LGUs na nananatili sa red zone, ang Banga, Norala, Tantangan, Sto.Niño at Koronadal.

Sa kabila nito, mahigpit pa ring binabantayan ng mga animal health authorities ang mga borders ng lalawigan upang masigurong walang makakapasok na baboy na infected ng ASF.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *