So.Cot, rank 7 sa local collection efficiency sa buong bansa

KORONADAL CITY- RANK 7 ang lalawigan ng South Cotabato sa 81 mga probinsya sa bansa sa local collection efficiency noong 2021.

Batay sa ipinalabas na datos ng Bureau of Local Government Finance o BLGF kamakailan lamang, nakakuha ang South Cotabato ng total score na 94.1% collection efficiency.

Napag-alaman na nakakolekta ang lalawigan sa pamamagitan ng Provincial Treasurers Office (PTO) ng P 473.44 million na local source revenue mula sa target na P 503.20 million.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Kaugnay nito, labis ang pasasalamat ni Provincial Treasurer Alvim Batol sa suporta ni Governor Reynaldo Tamayo Jr at sa lahat ng mga municipal treasurers, income generating units, economic enterprise office, revenue operations, at field supervision division ng PTO sa kooperasyon at dedikasyon ng mga ito upang mapaigting ang local collection ng probinsya.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Pinasalamatan din nito ang lahat ng mga tax payers sa pagbabayad ng kanilang buwis.

Kabilang sa 10 provinces ang Cebu na rank 1; rank 2 ang Quirino; rank 3 ang Aklan; rank 4 ang Capiz; rank 5 ang Pampanga; rank 6 ang Ilocos Sur; rank 8 ang Iloilo; rank 9 ang Bulacan; at rank 10 ang Zambales.