LTO 12 binalaan ang publiko laban sa mga nagpapanggap na kanilang empleyado

KORONADAL CITY- BINALAAN ng Land Transportation Office (LTO) Region 12 ang publiko laban sa mga nagpapanggap na kawani ng kanilang tanggapan at humihingi ng tulong pinansiyal.

Sa advisory ng LTO 12, nilinaw ng mga ito na hindi sila humihingi ng financial assistance sa kahit kanino man para sa kanilang mga programa at aktibidad dahil ang lahat ng ahensya ng gobyerno kabilang ang LTO ay may nakalaan na “government fund” na pantustos sa bawat opisyal na pangangailangan ng bawat opisina alinsunod sa batas at mga regulasyon.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Kalakip ng naturang advisory ang sulat na gawa-gawa lamang at nanghihingi ng ayuda para sa diumanoy Pre-training activity sa August 5 at August 6 na may lagda ni Mike Abutasil ng field operation division ng LTO 12.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Kaugnay nito, hinihikayat ng LTO 12 ang publiko na i-report sa kanilang tanggapan o sa pulis ang mga katulad na insidente upang maimbestigahan.