So.Cot provincial athletic meet, magsisimula na

KORONADAL CITY- MAGSISIMULA na ngayong araw ang South Cotabato Provincial Athletic Association Meet na gaganapin sa bayan ng Surallah.

Ayon kay South Cotabato DepEd Division – Education Program Supervisor Alex Floro na ang opening program ay isasagawa mamayang alas-3:00 ng hapon habang ang mga laro ay pormal na magsisimula bukas, Marso 31 hanggang Abril 2.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Napag-alaman ayon kay Floro na daan-daang mga atleta, coaches, at trainers mula sa 10 mga bayan sa South Cotabato ang maglalab-laban sa 21 sports events katulad ng basketball, volleyball, softball, baseball, swimming, athletics at marami pang iba.

Kabilang sa mga main venues ng mga laro ang Surallah Central Elementary School, Libertad National High School, Allah Valley Academy, Notre Dame of Surallah, Surallah Municipal Gymnasium kag South Cotabato Sports Complex para sa swimming.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Sa provincial meet, pipili ang lalawigan ng mga players na sa elementary at secondary level na kakatawan sa South Cotabato sa Soccsksargen Regional Athletic Association o SRAA Meet sa Abril 25 hanggang Abril 29 sa Kidapawan City.