So.Cot nakatanggap ng mga tools para sa TB program

KORONADAL CITY- NAKATANGGAP ang Integrated Provincial Health Office o IPHO South Cotabato kamakailan lamang ng mga bagong tools para sa detection ng tuberculosis o TB.

Ayon kay TB program coordinator John Codilla na ito ay sa ilalim ng Integrated National Tuberculosis Project o INTP kung saan isa sa mga pilot sites ang lalawigan.

Read More:  Facebook post triggers shooting scare at Cebu City private school

Kabilang sa mga tools na naturn-over sa probinsya ang ultra-portable X-Ray na nagkakahalaga ng P 10 million, Truenat machine, digital adherence tool, AI CAD technology na maaaring makadetect ng TB sa loob lang nga 15 minutos, at mga gamot kontra sa TB.

Read More:  Authorities seize ₱105.9M in alleged smuggled cigarettes in Zamboanga del Sur

Sa pamamagitan nito, inaasahan na mas mapapaigting pa ang TB case detection rate sa South Cotabato at agad na mabibigyan ng gamot ang mga pasyente lalo na sa mga far flung areas.

Ang South Cotabato ay top performing province sa tuberculosis program.