PinasLakas COVID 19 vaccination campaign, inilunsad sa So.Cot

KORONADAL CITY- INILUNSAD ng Department of Health o DOH Region 12 sa lalawigan ng South Cotabato ang “Sa Booster, PinasLakas” COVID 19 vaccination campaign.

Inihayag ni DOH 12 regional director Aristides Concepcion Tan na layon nito na mapalakas ang coverage ng COVID 19 immunization booster sa bansa sa first 100 days ng panunungkulan ni President Ferdinand Marcos Jr.

Read More:  More than 2,000 sacks of garbage collected during Dolomite Beach Clean-Up Activity

Ayon kay Tan na target ng PinasLakas na mabakunahan ng primary dose ang 90% ng mga senior citizens at mabigyan ng first booster dose ang 50% ng general population bago ang October 8, 2022.

Ayon sa opisyal na importante ang booster shot lalo na’t habang tumatagal ay bumababa ang level ng immunity na ibinibigay ng primary series o dalawang unang dose ng COVID 19 vaccine.

Read More:  Authorities raid Davao steel plant after alleged radioactive, substandard steel discovery

Sa datos ng DOH 12 noong Agosto 14, nasa 326, 535 na mga indibidwal pa lamang sa rehiyon ang nakatanggap ng first booster dose.

Samantala, eligible na ng ikalawang booster ang mga healthworkers, senior citizens, at mga immunocompromised.