So.Cot nakapagtala ng 90 cases ng COVID 19 variants

KORONADAL CITY- NAKAPAGTALA ang lalawigan ng South Cotabato ng 90 kaso ng new variants ng COVID 19 batay sa bio-surveillance genome sequencing ng Integrated Provincial Health Office o IPHO noong November 4.

Pinakamarami sa mga ito ang Delta variant na umabot sa 67 cases, 15 ang Alpha, 5 ang Beta, 2 ang P.3 at isa ang P.1 variant.

Napag-alaman na lahat ng LGU sa South Cotabato ay may kaso na ng COVID 19 variant kung saan naitala sa Koronadal City ang pinakamataas na kaso na umabot sa 29; 17 sa Polomolok; 11 sa Banga; siyam sa Surallah; anim sa Tupi; lima sa Tantangan; tig-apat sa Tampakan at T’Boli; tig-dalawa sa Lake Sebu at Norala; at isa sa bayan ng Sto.Niño.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ang mga COVID 19 variants partikular ang Delta ang isa sa tinitingnan rason ng mataas na kaso at mabilis na transmission ng COVID 19 cases sa South Cotabato noong nakaraang mga buwan.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Ngunit ngayon, inihayag ni disease surveillance officer Cecil Lorenzo na unti-unti nang bumababa ang kaso sa lalawigan dahil sa mga hakbang ng mga LGU partikular na ang pagpapatupad ng mga granular lockdown.