7 miyembro ng NPA at 42 supporters, panibagong sumurender sa militar sa Masbate

SORSOGON CITY – Panibagong sumurender sa militar ang 49 na miyembro at tagasuporta ng kilusang komunista na nagmula sa Brgy Bacolod sa bayan ng Milagros, Masbate.

Sa ulat ng Joint Task Force (JTF) Bicolandia, 7 dito ay regular na miyembro ng NPA, apat ang miyembro ng Militia ng Bayan (MB), dalawa mula sa Sangay ng Partido sa Lokalidad (SPL) at 36 ay mga tagasuporta.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Sumurender ang mga ito sa iba’t-ibang Community Support Program (CSP) teams ng Phil. Army at PNP-Masbate.

Ibinaba din ng mga ito ang 56 na low-powered firearms at isang high-powered firearms; isang anti-tank at anti-personnel mine (APM); iba’t-ibang magazine at mga bala.

Ang mga nagsisurender ay isasailalim sa debriefing at ang mga kwalipikado ay i-eenroll sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) kung saan pagkakalooban sila ng cash, livelihood, medical, housing at educational assistance.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Ayon pa sa ulat ng JTF Bicolandia, ang sunod-sunod na pagsurender ng mga terroristang komunista sa Masbate ay ang pagnanais ng mga ito na mamuhay ng tahimik.

Aniya pa, indikasyon din na nawalan na ng pag-asa sa armadong pakikibaka ang mga ito.