KORONADAL CITY- NAKAPAGTALA ang lalawigan ng South Cotabato ng pinakamaraming tourist arrivals sa buong Soccsksargen region batay sa 1st semester report ng Department of Tourism o DOT 12 noong August 16.
Sa datos ng DOT, umabot sa 634, 313 ang naitalang same day visitors sa lalawigan habang 23, 593 naman ang overnight visitors.
Ang bayan ng Lake Sebu ang number 1 most visited tourist destination sa region 12 na dinayo ng 236,925 na mga turista.
Pasok din sa top 10 most visted tourist destination ang mga bayan ng Norala, Tupi, Koronadal at Banga sa South Cotabato.
Samantala sa kabuuan, nakapagtala ang DOT 12 ng 2,201,630 tourist arrivals sa unang semester ng taon.
Ito ay mas mataas kumpara sa katulad na panahon noong 2020 dahil sa re-opening ng mga opening tourist destinations at pinaluwag na IATF guidelines sa mga turista at mga tourism facilities.
