Lalaki, arestado matapos murahin ang isang police officer sa Lucena City

Himas-rehas ngayon ang isang lalaki matapos umano nitong murahin at subukang batuhin ang isang police officer sa Barangay Ibabang Dupay, Lucena City nitong Linggo, Hunyo 23.

Ayon sa report, nagmamaneho umano noon ng motor ang pinaniniwalaang lasing na suspek nang bigla nitong sigawan at murahin ang naka-sibilyang pulis.

Read More:  Pope Leo appoints new spiritual leader of Diocese of Bacolod

Doon na nagpakilala at  maayos na kinausap ng pulis ang suspek subalit imbes na makinig ay kumuha ito ng bato at sinubukang ibato sa nasabing officer kung kaya siya ay inaresto.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Sa ngayon, nasa kustodiya ng mga awtoridad ang suspek para sa kaukulang disposisyon.