Sneakers ni Michael Jordan, naibenta ng halos $1.5 million sa isang auction

Las Vegas— “Greatest basketball player of all time” ganito isalarawan ng mga NBA fans ang iconic basketball player na si Michael Jordan dahil sa kakaibang galing na ipinamalas nito sa larangan ng sports partikular na ang basketball.

Kaya naman, hindi na nakakapagtaka na naibenta sa  halagang $1.5 million ang isang pares ng sneakers ni Jordan sa isang auction na ginanap sa Las Vegas nitong nakaraang linggo.

Ang naturang sapatos na kulay puti at pula mula sa Nike ay sinuot ng iconic player sa fifth game ng kanyang rookie season sa Chicago bulls noong 1984.  

Ayon sa auction house na nag organisa ng bidding, ang sapatos na ito ni Jordan ang pinakamahal na sapatos na kanilang naibenta sa auction. Noong August 2020, naisubasta rin ang isa pang Nike Air Jordans sa Christies auction kung saan naibenta ito sa halagang $615,000.### JUMEL DELA ROSA