LEGAZPI-Sinakyada ng mga operatiba ang isang bahay na ginawa ng isang “drug den” sa Zone 2, Brgy. Sabang, Legazpi City, dakong 1:13 ng hapon, Oktubre 28, 2021.
Kinilala ang mga suspek na sina Rogelio Esplana Sr o alyas Oyong-60 anyos, residente ng nasabing barangay, Roman De Guzman- 37 anyos residente ng Sitio Tiko tiko Barangay Taysan, Alex Duran- 29 anyos residente ng Barangay Tula-Tula, Jerwin Losano – 42 anyos residente ng Barangay Bitano, Ernesto Evangelista -53 anyos residente ng Barangay Maroroy bayan ng Daraga Albay at si Aaron Ajero residente ng Barangay Tula Tula ng Legazpi.
Ayon sa report, hapon ng magsagawa ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)Albay ng Search warrant implementation laban kay Esplana dahil sa ilegal na droga.
Isa sa mga pulis ang nagpanggap na buyer at nagkunwaring babatak sa mismong bahay ng target.
Matapos na makumpirma ay agad nilang sinalakay ang lugar kung saan naaktuhan mismo ng mga operatiba ang paggamit ng iligal na droga ng mga naarestong kalalakihan.
Nakuha mula sa loob ng bahay ni “Rogelio” ang labin-limang (15) selyadong plastik sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang “shabu”; labin-apat (14) na nakabukas na plastik sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang “shabu”, at iba pang mga kagamitan sa paggamit ng iligal na droga. Ang nasabing operasyon ay resulta ng mas pinaigting na pagmamanman ng mga operatiba mula ng mapag-alaman nila na di umano’y ginagawang drug den ang nabanggit na bahay.
Kakaharapin ngayon ng mga arestadong suspek ang kasong pagbalga sa “RA 9165” o mas kilala sa “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002,” na inihahanda na ng pulisya para sa agarang pagsampa nito sa korte.Sa kabila ng mga hamong kinakaharap ng ating bansa, lalo na itong pandemyang dulot ng COVID-19, hindi parin matatawaran ang mga akomplisimiyento ng Albay PPO sa pagsugpo ng iligal na droga sa probinsiya.