SND Lorenzana – Kapalaran ng WPS Exploration, ipauubaya na sa next admin

Ipauubaya na ng Gobyerno sa susunod na adminsitrasyon ang magiging kapalarann ng oil explorations sa West Philippine Sea.

Itoa ay makaraang ipahinto ng Energy Department ang lahat ng mga exploration activities sa WPS hangga’t hindi pa nagi-isyu ng clearance ang Security, Justice, and Peace Coordinating Center o ang SJPCC.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Ang nabatid na exploration ay unilateral lamang. Ibig-sabihin tanging Pilipinas lamang ang kalaho dito, at hindi bahagi ang iba pang mga claimants gaya ng China.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, sinabi umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na bahala na ang susunod na administrasyon kung itutuloy pa ba o hindi na ang exploration sa mga pinagaagawang teritoryo para sa presensya ng langis.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Hindi naman tiyak ng kalihim kung bakit kinakailangan pa ng DoE ng clearance pero sa palagay umano niya, iniiwasan lamang ang gulo pag nagpatuloy ang explorations.
#