KORONADAL CITY — UMAABOT sa 3,088 na mga police personnel ng Police Regional Office 12 at 341 mula sa national support units o NSU ang naaprubahan upang mapabilang sa Local Absentee Voting na isinagawa ngayon sa provincial capitol ng South Cotabato.
Ito ang nagsimula noong Abril 27 at magtatapos bukas Abril 29 ngayong taon.
Ang Local Absentee Voting ang isang sistema kung saan ang mga government officials and employees, mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines o AFP, Philippine National Police o PNP at mga media media practitioners na kabilang sa mga technical support and staff na registered voters ang pinapayagan na makaboto sa mga national positions sa lugar kung saan sila pansamantala na assign upang makapagsilbi ang mga ito sa eleksyon.
Ang mga kapulisan sa rehiyon ang nag-apply ng Local Absentee Voting ang kabilang sa Reactionary Standby Support Force (RSSF) para sa possible augmentation at pagresponde ng critical incident management at disaster response gayundin magpapasiguro ng peaceful, honest, and fair national and local elections.
