Slovakia Prime Minister Fico, stable na ang lagay matapos na barilin ng limang beses

Stable na ang kondisyon ni Slovakia Prime Minister Robert Fico matapos na pagbabarilin ng 5 beses ng isang lalake.

Nangyari ang pamamaril habang nakikipagkamay ang Prime Minister sa kanyang mga taga-suporta.

Ayon sa mga otoridad, inoperahan ang 56-anyos na biktima matapos siyang tamaan ng mga bala sa tiyan.

Kasalukuyan pang nagpapagaling si Fico sa ospital at naaresto naman ang gunman.

Samantala, tinawag namang political assult ng gobyerno ng Slovakia ang tangkang assasination kay Fico.

Sinisisi nila ang hate speech at pagkakawatakwatak ng politika sa kanyang bansa.

Giniit naman ng presidente ng Slovakia na ang pag-atake sa Prime Minister ay pag-atake rin sa demokrasya.

Dagdag pa niya na walang puwang sa kanilang bansa ang karahasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *