Ilan pang Barangay sa Basud tutunguhin ng Comelec para sa satellite voter registration

CAMARINES NORTE – Nakatakdang tunguhin ng Commission on Elections ang ilan pang Barangay sa Basud para sa satellite voter registration.

Ayon kay Election Officer III Annelyn Abanes, bukas, May 18 ay tutungo ang Comelec sa Lidong at sa May 25 naman ay sa Matnog.

Mayroon na ring naka- schedule sa June 1 sa Barangay San Jose, June 8 sa Mantugawe at June 20 sa Pagsangahan.

Sa ngayon ay 17 Barangay na sa 29 na Barangay ang napuntahan ng Comelec.

Aminado naman si Abanes na hamon para sa Comelec at sa mga nagpaparehistro ang matinding init ng panahon pero mas mainam na rin aniya na nakakapunta sila sa barangay.

Kung hihintayin lang daw kasi sa opisina ang mga magpaparehistro, madalas ay paisa- isa lang ito at hindi pa umaabot nmg sampu katao sa isang araw.

Mas marami pa rin umano ang nagpaparehistro sa mga Barangay at malaking tulong sa mga residente dahil hindi na kakailanganin ng mga ito na gumastos ng pamasahe para magtungo sa opisina ng Comelec.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *