SK programs, mapaparalisa kung i-postpone uli ang BSKE polls – solon

Naniniwala si Kabataan party-list Representative Raoul Manuel na magiging counter-productive ang pinapanukala ng ilang mga mambabatas na ipagpalibang muli ang nakatakdang barangay and Sangguniang Kabataan elections sa Disyembre.

Sa ngayon kasi, mayroon nang iba’t ibang bersyon ng panukala para sa postponement na inihain sa Senado at sa Kamara.

Ayon kay Manuel, kung sinasabi ng ilang lawmakers na makatutulong ang pagpapaliban ng BSKE elections sa paglago ng ekonomiya – naniniwala itong kabaliktaran ang mangyayari dahil mapipigilan pa ang mga programa para sa pandemic recovery.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Paliwanag ng mambabatas, sakali mang magkaroon pa ng bagong term extension sa mga local officials ay mapaparalisa lamang ang mga SK programs sa buong bansa.

Naniniwala rin itong posibleng magkaroon lang ng ‘stagnancy’ sa mga lokal na opisina dahil mananatili pa rin sa puwesto ang ilang mga kurap ng opisyales.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Bago ito, una nang sinabi ng Commission on Elections na kahit na gawing manual ang December polls, aabot pa rin sa P8.4Billion ang kinakailangang gastusin ng gobyerno.

Nanawagan din ang poll body sa Kongreso na isapinal na ang desisyon kung tuloy ba o ipo-postpone uli ang halalan.
#