Dating PDEA Regional Director, itinalaga ni Marcos bilang acting Customs Commissioner

Kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na nanumpa ni Yogi Filemon Ruiz bilang Acting Commissioner, Bureau of Customs.

Isinagawa ang oath taking ni Ruiz sa harap ni Pangulong Bongbong Marcos sa Malakanyang kahapon July 20.

Si Ruiz ay dating BOC Director ng Enforcement and Security Services na namamahala sa customs police simula noong 2017.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Papalitan nito si Rey Leonardo Guerrero.

Bago mapunta sa BOC nanilbihan ito bilang regional director ng Philippine Drug Enforcement Agency Central Visayas.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Dinala si Ruiz sa BOC ng dati niyang PDEA boss na si Isidro Lapena sa BOC na naging commissioner mula 2017-2018.

Sa mga naunang pahayag, sinabi ni Marcos na nais niyang tuldukan ang smuggling sa ahensiya kabilang na ang pagpapalusot ng mga agricultural products.
#