Sitwasyon sa Russia – back to normal na ayon sa DFA; Mga Pilipino doon – ligtas

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nasa mabuti ng kalagayan ang mga Pilipino mula sa Russia matapos ang magkaroon ng rebelyon ang isang private mercenary group.

Ayon kay DFA Usec. for Migrant Workers’ Affairs Eduardo de Vega – tinatayang 10,000 Pilipino ang nasa Russia at 9,000 naman sa mga ito ay nasa Moscow na sinasabing hindi napasok ng Wagner.

Read More:  SP Cayetano confirms Sen. Bato no longer inside Senate building

Sabi ni de Vega, ang tangi lang napasok ng grupo ay sa Rostov na may layong 1000 kilometro.

Read More:  ‘I still have the floor!’ Pangilinan, Padilla clash inside Senate chamber

Kino-contact din ng embahada ang bawat Pilipinong naroroon at nakumpirmang 11 indibidal ang nasa loob ng nasabing lugar.

Dagdag pa aniya, matapos ang mini-rebellion ay tuloy-tuloy ng bumabalik sa normal ang sitwasyon sa Russia.