Telcos, paiigitngin ang info drive ng SIM Card registration sa gitna ng nalalapit na deadline

Siniguro ng mga telecommunication companies na paiigtingin pa nila ang paghihikayat sa kanilang mga users na magpa-register na ng kani-kanilang mga SIM Cards.

Halos isang buwan na lang bago matapos ang extended deadline – pumalo na sa 100.2Million ang mga registered SIMs.

Para sa SMART-PLDT, sianbi ng kanilang First VP and Corporate Communications Head na si Cathy Yang na mayroon pang nasa 28.5% ng kanilang subscribers ang hindi pa nagpapa-register.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Para mapataas pa ito, sinabi ni Yang na pinaigting pa nila ang kanilang information drive para ipaalalang made-deactivate na ang unregistered SIMs sa oras na matapos na ang deadline.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Para naman sa Globe, sinabi ng knailang Corporate Communications Head na si Yoly Crisanto na kuntento sila sa 53% na turn-out ng registrants ng kanilang mga users mula sa kabuong bilang.

Bagamat lagpas lang ito sa kalahati ng total users – 95% na rin daw ito ng mga aktibong Globe users.