SITG – binuo para imbestigahan ang firecracker disposal na nagresulta ng pagkasugat ng ilang indibidwal sa Zamboanga City

Bumuo na ng Special Investigation Task Group ang Police Regional Office 9 para imbestigahan ang nangyaring firecracker disposal na nagresulta sa pagkasugat ng ilang indibidwal sa Brgy. Cabatangan, Zambonga City.

Ayon sa PRO 9, ang SITG ay bubuuin ng mga imbestigador mula sa Regional Investigation and Management Division, Criminal Investigation and Detection Group, Regional Legal Service 9, Regional Forensic Unit 9, Zamboanga City Police Office, Regional Explosive and Canine Unit 9, at Regional Public Information Office.

Aabot 27 mga indibidwal nasaktan sa insidente kabilang ang 7 sibilyan.

Maliban sa mga nasaktan, 12 ari-arian din ang napinsala ng pagsabog.

Kasalukuyan nagsasagawa ng assessment ang pulisya sa lugar upang matukoy ang kabuuang lawak ng pinsala.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *