Wanted Indian terrorist, arestado sa Bacolod

Arestado ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang isang Indian-Nepalese na ranking leader ng teroristang grupo at wanted criminal sa India.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, naaresto ng mga operatiba ng fugitive search unit si Joginder Geong, 41,nitong Lunes sa kanyang tirahan sa Barangay Taculing, Bacolod City, Negros Occidental.

Si Geong ay kilalang gumagamit ng ilang alyas kabilang ang Joginder Geyong at Kanta Gupta.

Sabi ni Tansingco, naglabas siya ng mission order para sa pag-aresto kay Geong sa kahilingan ng Indian government dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa criminal activities at terorismo sa bansa.

Nahatulan din ito ng panghabambuhay na pagkakakulong dahil sa firearms possession cases sa India.

Naniniwala rin si Tansingco na may kaugnayan si Geong sa Khalistani terror group na nagsasagawa ng rebelyon upang magtatag ng isang independent state sa lalawigan ng Punjab, India.

Kasalukuyan ng nakakulong sa BI Facility sa Taguig ang dayuhan habang hinihintay ang kanyang deportasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *