Safety Media Road Show, matagumpay na naisagawa sa Lungsod ng Legazpi

LEGAZPI CITY – Matagumpay na naisagawa sa lungsod ng Legazpi ang Safety Media Road Show, isang inisyatiba ng 1st Philippine Media Safety Summit Conveners.

Ang nasabing aktibidad ay nilahukan ng ilang myembro ng media industry sa Albay at Sorsogon at maging ang mga periyodista at broadcasters ay nakilahok din sa aktibidad.

Ayon kay Executive Director Center for Community Journalism and Development, Red Batario, kasama umano sa mga dumalo ang multi-sectoral council sa Bicol, government agencies, academic institutions, human rights organizations at iba pang sector sa rehiyon.

Nagkaroon naman ng talakayan tungkol sa summit declaration, kasama ang limang flagship areas ng Philippine Plan of Action on the Safety of Journalists (PPASJ), at kung papaano maisusulong ng iba’t-ibang mga mamahayag sa bansa.

Layunin ng aktbidad na ito ay para pag-isahin ang mga mamahayag at magbigay daan sa pagkakaunawaan ng media at ng iba’t-ibang sektor sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *