SITG, binuo na RE: pagpatay ng pulis sa 2 indibidwal sa Malabon

Bumuo na ng Special Investigation Task Group ang National Capital Region Police Office sa nangyaring pamamaril sa Malabon City kung saan sangkot ang isang pulis.

Ayon kay NCRPO spokesperson PLt. Col. Eunice Salas, ito’y upang malaman ang motibo ng pamamaril ng suspek na si Patrolman Zenjo del Rosario kung saan dalawa katao ang nasawi at ikinasugat ng isa pa.

Naisampa na rin ang kasong 2 counts ng murder at frustrated murder laban sa pulis.

Batay sa pahayag ng suspek, magsasagawa raw siya ng anti-illegal drug operation na pinabulaanan naman ng mga miyembro ng Station Drug Enforcement Unit kung saan siya naka-assign.

Kaugnay ng insidente, ni-relieve na sa pwesto ang hepe ng Malabon CPS at team leader ng SDEU.

Matatandaang batay sa imbestigasyon na isinagawa ng pulisya, nangyari ang pamamaril sa bahay ng isa sa biktima na si Alexis Guitierez.

Nadamay dito ang dalawa niyang kasama na sina Jay Bacusmo Apas at Baby Tadiamon.

Tanging si Tadiamon ang nakaligtas sakabila ng mga tama ng bala sa kanyang katawan.

Sa tulong ng CCTV agad na naaresto ang suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *