Pinatututukan ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla ang Subic dahil umano sa smuggling activities.
Ayon kay Remulla, ang Subic ang kanilang na-pinpoint na source ng agricultural smuggling at marami pang kaso ng smuggling sa bansa.
Kabilang na rito ang pagkakakumpiska ng 530 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng ₱3.6-Billion kamakaialan sa Pampanga na ipinadaan umano sa Subic
Ang mga hinihinalang shabu na nakalagay sa 59 kahon na naglalaman ng plastic bag ng chicharon at dried fish ay itinago sa case ng soft drinks at sako ng feeds.
Ang mga illegal drugs ay dumating sa Subic Port, SBMA noong September 18,2023 mula sa Thailand sakay ng Sitc Shekou vessel.
Sabi ni Remulla, nakikipagtulungan na sila sa Bureau of Customs dahil mahalaga umano ang kooperasyon ng ahensiya sa anti-drug program ng gobyerno.