Sinovac, ituturok na rin sa mga kabataan sa Indonesia

Inirekomenda na ng Food and Drug Agency ng Indonesia na iturok sa mga kabataang edad 12 hanggang 17 doon ang bakuna kontra COVID-19 ng Sinovac.

Kaugnay nito’y welcome kay Task force spokesman Wiku Adisasmito ang rekomendasyon ng FDA kasabay ng paghimok sa mga kabataan na magpabakuna na rin kontra covid-19.

Sa datos ng nasabing task force, nasa 12.6 percent ng kabuuang kaso ng sakit sa bansa ay mga nasa edad 18 taong gulang pababa kung kaya’t kinakailangan na rin anila ng proteksyon ng mga kabataan doon laban sa virus.

Mababatid na ang Amerika ang kauna-unahang bansa na nagbakuna sa mga teenager population gamit ang bakuna ng Pfizer.

Kauna-unahan namang pinayagang gamitin ang bakuna ng Sinovac para sa mga kabataan sa bansang China.

Sa kasalukuyan ay nasa 20,000 kaso kada araw pa rin ang naitatala sa Indonesia dahil sa pagkalat doon ng COVID-19 variants.

Umaabot naman sa 13.18 milyon na katao ang nakatanggap na ng bakuna sa Indonesia kung saan kung saan karamihan sa mga naiturok ay Sinovac vaccine.