Mas maraming pulis sa kalsada, mas kailangan kaysa sa armasan ang mga sibilyan – Sen. Villanueva

Nadagdagan pa ang bilang ng mga Senador na tutol at hindi sang-ayon sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng armas ang mga sibilyan na umano’y katulong sa paglaban sa kriminalidad.

Ayon kay Senador Joel Villanueva, hindi ito kailangan sapagkat hindi naman kulang ang nasa mahigit 400,000 na mga pulis at sundalo sa bansa.

Aniya, sa halip na armasan ang mga sibilyan, mas paigtingan na lamang ang police visibility o ang pagpapakalat ng mas maraming pulis sa lansangan.

Read More:  Coup rumors denied! Senate President alan cayetano says majority bloc remains solid

Magkaroon din aniya dapat ng mas malawak na CCTV network at magkaroon ng 911 emergency hotline service para sa agarang pagresponde sa tawag ng publiko.

Ipinunto ng mambabatas na ang pagtiyak sa peace and order ay katungkulan ng gobyerno na hindi maaaring isapribado o iatas sa mga sibilyan na hindi naman dumaan sa mahabang pagsasanay sa paghawak ng baril.

Read More:  Comelec targets reopening of voter registration in Feb 2027

Mababatid na nauna nang kinontra ni Senador Panfilo Lacson ang mungkahing ito ng Pangulo kung saan sinabing hindi ang pagbibigay ng baril sa mga sibilyan ang nakikitang solusyon upang masawata ang mga krimen.

Samantala, dagdag pa ni Sen. Villanueva, hindi ang pag-aarmas sa mga sibilyan ang dapat ngayong tutukan kundi ang pagtugis sa iligal na bentahan ng baril sa bansa.