Singil sa kuryente muling tataas pagpasok ng Hunyo

CAMARINES NORTE- Inanunsiyo ng Camarines Norte Electric Cooperative na muling tataas ang singil sa kuryente pagpasok ng Hunyo.

Tumaas kasi ang billing rates na babayaran para sa May 2022 billing.

Ang residential rate ay Php13.2661 per kWh  kumpara sa Php12.7696 per kWh noong nakaraang April 2022 billing.

Ang low voltage rate ay Php12.3125 per kWh at ang high voltage rate naman ay Php10.5757 per kWh o nagkaroon ng pagtaas na Php0.4965 per kWh.

Ayon sa Canoreco, ang pagtaas na ito ay bunsod ng pagtaas ng Blended Generation Charge na Php7.5603 per kWh na tumaas ng Php0.4469 per kWh kumpara sa Php7.1134 noong nakaraang April 2022 billing

Read More:  Drunk brother-in-law kills mother, injures teen over ₱500 debt in Negros Oriental

Resulta  umano ito ng patuloy na pagtaas ng gastusin sa gasolina (Fuel Cost) ng Therma Luzon, Inc. (TLI) noong nakaraang billing period na dulot ng mabilis na pagtaas ng demand sa coal habang ang mundo ay lumalampas na sa pre-pandemic levels at ang digmaang Russia-Ukraine ay malubhang naaapektuhan ang kalakalan ng tumataas na presyo ng coal.

Bahagya rin daw tumaas ang System Loss Charge at ang Value Added Tax (VAT) Charges.

Read More:  After armed clash in Negros town, civilian taken into custody, then released

Sa kabilang dako, bahagya namang bumaba ang Lifeline Subsidy, Senior Citizen Subsidy, Generation Rate Adjustment Mechanism (GRAM)/Incremental Currency Exchange Rate Adjustment (ICERA) at Transmission Charge.

Ang Generation Charge ay nagbabago kada buwan dahil apektado ito ng WESM prices, power plants dispatch, fuel prices, forex rates at seasons kung kailan binili ang kuryente.

Ang pagtaas na ito ay magiging dagdag pahirap sa mga consumer dahil pagpasok ng Hunyo ay magtataas rin ng 20 porsiento ang singil sa tubig.