Singer R. Kelly, pinagbabayad ng P17-M sa kanyang mga biktima sa sex crimes

Pinagbabayad ng korte si R. Kelly, ang multiplatinum R&B singer na nahatulan ng dalawang beses ngayong taon dahil sa sex crimes, ng $300,000 (P17.7 million) bilang restitution sa ilan ng kanyang biktima.

Ayon kay nited States district judge Ann Donnelly, na ang pera ay ibibigay sa dalawang babae na kinilalang sina Jane at Stephanie, para sa gastos ng kanilang therapy at herpes treatment.

Read More:  Barbie Imperial and Richard Gutierrez spark online buzz after Instagram follow-unfollow

Dagdag ni Donnelly, na ang naturang halaga ay maari pang tumaas matapos na muling bilangin ng prosecutors ang halaga ng medication para kay Stephanie.

Itinanggi naman ng huwis ang request ng prosecutors na pinababayaran ang nawalang income ni Jane, at pagbibigay ng compensation para sa pangatlong biktima na si Sonja.

Read More:  Gee Canlas breaks silence on alleged physical abuse by Archie Alemania

Nabatid na hinatulan ni Donnelly si Kelly noong Hunyo ng 30 taon na pagkakakulong dahil sa kasong racketeering at iba pang charges.