SINAG, plano maghain ng reklamo laban sa mga tauhan ng Tariff Commission kasunod ng tapyas-taripa sa imported na bigas

Plano ngayon ng grupong Samahang Industriya ng Agrikulutura o SINAG laban sa mga opisyal ng Tariff Commission.

Ayon sa legal counsel ng SINAG na si Atty. Virgie Suarez, ang hakbang na ito ay dahil pa rin sa pagpapatupad ng Executive Order 62 na hindi umano sumunod sa tamang proseso.

Pinagtibay din ng grupo ang sinasabi nitong hindi nakonsulta ang mga magsasaka at iba pang stakeholders bago ibaba ang taripa sa imported na bigas at iba pang produktong pang-agrikultura.

Ilan sa tinitingnang reklamong ihahain ng grupo sa Ombusdman laban sa mga tariff officials ay ang grave misconduct o paglabag sa code of ethics at ethical standards, at kasong kriminal gaya ng graft.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *