Sen. Binay, handa umanong sumunod sa legal process ng Senate Committee on Ethics higgil sa inihain niyang ‘ethics complaint’ vs Cayetano

‘I will subject myself to the process’

‘yan ang pagtitiyak ni Senadora Nancy Binay matapos matanggap ng opisina ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang kanyang inihain na ‘ethics complaint’ laban kay Senador Alan Cayetano.

Kasunod ito sa di umano’y naging unparliamentary manner at derogatory words na binitawan ni Cayetano noong nakaraang pagdinig.

Ayon kay Binay, kung sakaling hinggin sa kanya ni Tolentino na mag-usap silang tatlo ni Cayetano ay handa naman siyang dumalo rito.

Samantala, ibinahagi naman niyang hindi na siya dadalo ng pagdinig mamaya ng Senate Committee on Accounts dahil narinig na niya sa nakaraang pagdinig ang gusto niyang malaman mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *