Panukalang naglalayong gawing tax free ang night differential pay, itinutulak sa Kamara

Isinusulong ngayon sa Kamara ang panukalang target gawing tax free ang night differential pay ng mga manggagawa.

Inihain ni Makati Rep. Luis Campos Jr. ang HB No. 10534, na siyang mag-a-amyenda sa Tax Code para maging mas malaki ang take-home pay ng mga workers na dumu-duty mula alas-10 ng gabi hanggang ala-6 ng umaga.

Ayon kay Campos, makatutulong ito sa mga manggagawa sa gitna ng tumataas na presyo ng mga bilihin.

Sa sandaling maisabatas, inaasahang malaki ang magiging tulong nito sa Pilipinong nagtatrabaho sa gabi, kabilang na ang higit-kumulang 1.7M na workers sa BPO sector.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *