3 kolehiyo sa Batangas ginawaran ng parangal; de kalidad na pagtuturo tiniyak ng CHED

Kolehiyo ng Lunsod ng Batangas, Kolehiyo ng Lipa at Tanauan City College ang tatlo sa labing-anim na kolehiyo na mula sa Batangas ang nakatanggap ng parangal at pumasa sa pagkakaroon ng de kalidad na pagtuturo sa buong rehiyon.

Personal na ibinigay ni CHED Commissioner Popoy De Vera ang parangal kasabay ng pagbibigay katiyakan na titulado na ang mga ito sa”free higher education” program ng komisyon base na din sa itinatadhang batas nito, isa na ang katiyakang ng libreng tuition sa mga estudyante nito.

Samantala, nagbigay linaw din si Chair Popoy ukol sa pagpayag nito sa face to face classes, una ito aniya ay pinayagan ni Pangulong Rodrigo Duterte, nilinaw din na maituturing pa rin flexible learning ang face to face classes na ito ay gagawin lamang sa subject na nangangailangan ng skills at hindi sa mga lectures lamang.

Pinayagan lamang aniya ang mga kursong medical allied sciences, nursing, dentistry, physical therapy at cardiology na kinakilangan ng skills dahilan sa kung hindi mapapayagan ang mga ito ay mababa ang magiging kalidad ng magiging produkto ng mga doktor sa hinaharap.

Samantala, ginanap ang Gawad parangal na ito ng CHED sa Batangas State University main campus kung saan dumalo ang mga lokal na opisyales ng lokal na pamahalaan at opisyales ng mga kolehiyong nagawaran ng parangal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *